Bato

Ang 'Bato' ay ang unang programming language sa wikang Tagalog.

Pagtatalaga

Kailangan mo munang i-install ang Ruby programming language (version 1.9.3 o mas bago) at pagkatapos maitalaga ang Ruby, i-run naman ito

gem install bato

Bakit Bato?

Ang 'bato' ay hango sa Ruby Programming Language na may Tagalog na sintaks. Ang kadahilanang ginamit ang pangalang 'bato' ay dahil ang Ruby ay isang uri ng bato.

Ang unang program

Gumawa ng isang file na kamusta_mundo.bato na may mga sumusunod na nilalaman

kapag 1 > 0
  isulat "Kamusta mundo!"
kung_hindi
  isulat "Mayroong sira"
katapusan

at pa-andarin ang program sa pamamagitan ng

bato kamusta_mundo.bato

Sintaks

Bilang

Pambuong Bilang

123

Hating Bilang

123.45

Pagsusulat

"Ito ay mga serye ng mga sulat sa wikang Tagalog"
"mga salita\nna nahahati\nsa ilang mga hilera\n"

Dinikit na mga pamamaraan

'magandang araw'.baliktad         # => 'wara gnadnagam'
'Pangungusap'.haba                # => 11

Ekspresyong Boolean

tama
mali
hindi tama

Kondisyon

Paggamit ng kondisyon.

kapag halaga > 100 dapat
  "ayos lang"
kung_kapag halaga > 0 dapat
  "ok lang"
kung_hindi
  "wala lang"
katapusan

kung_sakaling bilang
pagka 5 dapat "lima"
pagka 4 dapat "apat"
kung_hindi "wala"
katapusan

Pamamaraan sa pagkakamali

bilang_ng_pagkakamali = 0
simula
  # mag komento kapag hindi sigurado
  1 / 0
iligtas => pagkakamali
  bilang_ng_pagkakamali += 1
  subukang_muli kapag bilang_ng_pagkakamali < 3
  iangat "malubhang pagkakamali"
siguraduhing
  isulat "Tapos na"
katapusan

Pagtulong sa pagdedevelop ng Bato

Magpadala ng mga kahilingan sa paggawa ng ticket.

Lisensya

Masasyusets Institut Ng Tekonolohiya licence (makikita sa LICENSE.txt na file).